Thursday, December 13, 2007

♥wAt dA pAk!!♥

haayz..ang daming nangyari last week..tapos busy p ako..kaya nga ngayon lang ako nakapag post ulit dito..pagod pa ako lagi dahil nga sa pagtitinda..talagang kinarir ko na ang pagiging businesswoman ko..ahaha..

- dec. 6 around 3-4 pm

yun nasaksihan ko lang naman ang away ng dalawa kong pinsan (actually mga tito
ko na sila)..nagbugbugan sila sa daan, sa mismong harap ng tindahan ko..ng
dahil lang sa pulutan (naka inom na kasi sila)..hindi pa nakuntento, gumamit
pa sila ng props..at ang props baseball bat..naawat naman sila....ng tatay
ko..okei na sana ang lahat kaso hindi pa sila nakuntento dun sa unang round may second round pa pala..na trigger kasi si kapatid dahil sa narinig niya kay
kuya..binalikan niya at natuloy ang "second round" pero di ko inaasahan na
makikisali pa si tita (tita nila) at nagsisisigaw pa..hinahanap yung taong
nag-aya ng inuman sa mga pamangkin niya..yung nag-aya ang sinisisi kung bakit
nangyari yun..na awat uli sila ng tatay ko kasama ng tito ko..sa wakas at
natapos na din..umuwi si kapatid sa bahay..yun pala kumuha ng panibagong
"props"..pero di na siya nag-iisa kasama ang asawa at isa pa nilang tita at may
dala ding mga props..at ang mga props icepeek, kutsilyo at kahoy..kaya pala
umuwi para kumuha ng props at magsama ng "kakampi"..may third round pa
pala..ayun nadale ng sobra si kuya..kala namin masasaksak na siya..yun pala
ipinanghampas lang yung kutsilyo sa likod niya pero eto ang matindi yung isang
tita ang nanghampas kay kuya ng kahoy ayun dahil sa sobrang pagpalo sa katawan
napuruhan yung likod at paa..may sugat din pala si kuya sa ulo at gasgas sa mga
paa..hindi na niya makuhang makatayo dahil sa sobrang bugbog na niya sa
katawan..binuhat na lang siya para itabi siya at punasan ang mga sugat
niya..nakita ko nga nangingitim na yung sa may spinal niya..bakas ng
kutsilyo..dinala na siya sa malapit na ospital para ma check ang mga pasa at sugat niya at pina x-ray para matignan kung may fracture..sa awa ng DIYOS wala namang fractured bones mga pasa at sugat lang talaga ang nakuha niya..


- dec. 9 5:30 pm

may nagtanong sa akin kung may nakatirang Emy Manabat dito sa amin..sabi ko pinsan ko siya..tinanong ko yung lalaki kung bakit niya hinahanap pinsan ko tapos pinakita niya yung papel na hawak niya..binasa ko..tapos ng makit ko yung USA naisip ko na dumating na yung package na hinihintay namin na padala ng tita ko..tinawag ko yung pinsan ko at sinabi ko sa kanya..nang binuksan na yung 2 box ng package ng laman:

  1. mga sapatos na pinabili
  2. bags
  3. chocolates
  4. can goods
  5. towels

at kung ano pa..binigyan ako ng towel na kulay moss green (sakto fave color ko yung green) kasi sira na yung towel ko..may butas sa may bandang gitna..di kung yung sirang towel ang ginagamit ko nakikita yung ko..kamusta naman yun di ba?! tapos inabutan pa ako ng chocolates..ahaha ayus may makakain ako pag mag oonline ako..

so ayun..yun lang ang pinaka matinding nangyari sa akin last week..hala ang haba na pala na type ko..ahaha..

Labels: , ,

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Woah, parang nanunuod ako ng pelikula dun sa dec 6 ah! nyahahaha! yung maliit na problema pinalaki pa! hahahaha!

naglalaway naman ako dun sa tsonoleyts!

December 14, 2007 at 11:02 AM  
Blogger Luntian said...

uu nga eh..maliit na prublema tpus gnyan ang ngyare..iba tlga ang nggwa ng alkohol sa utak..

December 14, 2007 at 2:28 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home