Saturday, October 20, 2007

samahang hindi makakalimutan

Dec. 9, 2007 nagumpisa ang lahat.. Nung una, hindi ko maisip na makakasali ako dito.. Sabi kasi ng iba sila yung tipo ng mga taong mataas ang lebel.. Mapanghusga sa ibang grupo.. Pero dahil sa kagustuhan kong makabilang sa kanila nilakasan ko ang aking loob.. Nung una mas gusto ko pang mag-isa.. Kasi nga hindi ko sila masyadong kilala.. Pero naisip ko ngayong kabilang na ako sa kanila kailangan kong makibagay, kailangan kong sumunod sa agos ika nga.. Kahit baguhan lang ako sinisubukan kong makisali sa mga usapan nila ng sa ganun makilala ko sila at makilala rin nila ako.. Hindi nagtagal naging malapit na sila sa akin.. Biruan doon, tawanan dito.. Napamahal na sila sa akin.. May mga pagkakataon na nagkakatampuhan kami.. Pero naaayos naman namin yun.. May pagkakataong kami ay lumalabas.. Gimik doon, inuman dito.. Pero sa paglipas ng panahon di mo aakalain at di mo iisiping kailangan mong pakawalan ang isang samahang pinatatag na ng panahon.. Nung una sasabihin mo di ka na mabubuhay pag nawala sila sa buhay mo.. Pero sa mga panahong ito kung kailangan mo ng pakawalan o dapat mo ng pakawalan ang isang tao, bagay, o kung ano man tulas ng mga taong ito na matagal ng naging parte ng buhay mo.. Kailangan mong tanggapin na isang araw ay iiwan mo din sila.. May mga bagay na dapat mong isantabi para maisagawa o para magawa mo ang ibang bagay.. Hindi naman ibig sabihin na isusuko mo ang mga taong ito ng ganun-ganun lang.. Pero may mga bagay na dapat bigyang pansin.. Iiwan mo man sila pero may pagkakataon na babalikan mo rin sila.. Nandyan naman sila para sa'yo.. Handang tumulong sa ano mang paraan..



Sa inyo mahal kong kaibigan hindi ko kayo makakalimutan.. Siguro kahit papaano handa akong tumulong kapag kailangan ninyo ako.. Nandito pa rin ako para suportahan kayo lagi.. Magkakasama pa tayo sa darating na araw..

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home