untitled
Ika labing-anim ng Disyembre (disyembre..) Ika labing-anim ng Disyembre (disyembre..)
Malapit na ang buwan ng Disyembre.. At dahil dun nalalapit na ang pagsapit ng pasko at nagsisimula ng magtugtugan ang mga kantang pampasko.. Maririnig mo sa mga bahay, tindahan, sa mga pampublikong sasakyan, sa drugstore, sa palengke, at kung saan pa..
Simbang-gabi simula ng pasko..sa puso ng lahing Pilipino..siyam na gabi kaming gumigising sa tugtog ng kampanang walang tigil..(dong..)
Pagsapit ng Disyembre ang unang papasok sa aking isip ay ang siyam na gabing paghahanda para sa pagsilang ni Hesus na ating tagapagligtas..at sa siyam na gabi ako ay nagsisimba..nagsisimba para ipagdasal ang kapayapaan na hatid sa atin ng ating tagapagligtas..tradisyon na sa mga Pilipino ang pagsimba sa loob ng siyam na gabi bago ang araw ng pasko..ito ay simbolo ng ating pasasalamat at pagdarasal..siyam na gabing pagsisimba ay katumbas ng siyam na gabing pagsakripisyo para sa lahat..hindi lang siyam na gabing sakripisyo..kung hindi habang-buhay na sa sakripisyo..
ding dong.. ding dong.. ding dong.. ding dong.. ding dong.. ding dong.. ding dong.. ding dong..
Pag nakakarinig ako ng mga kantang pampasko lagi akong nagiisip..naaalala ko ang mga araw na kasama ko ang aking inay..noon bago sumapit ang pasko binibili kami ng mga bagong damit at sapatos..kahit na may bagong damit at sapatos kami bili ng inay namin magbibigay pa siya ng aguinaldo (pera) sa amin pagsapit ng pasko..pero ngayon..wala na siya sa aming tabi..ang mga bagong damit at sapatos at aguinaldo ay wala na..pumunta siya sa ibang lugar kung saan ang mga tao doon ay iba ang kanilang kultura..mga taong walang pasko..okei lang sa akin kahit walang bagong damit at sapatos..kahit walang aguinaldo sa pasko okei na rin sa akin..ang gusto ko lang ngayong pasko ay ang makasama ang aking inay..dahil ilang taon na rin ng huli namin siyang nakasama..
Pasko na!! Pasko na!! May parol na nagbitin..
At dahil doon..ang aming pasko ay napakalungkot at napakalamig..
Labels: christmas, missing someone

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home